JAKARTA, Indonesia (AP) – Natagpuan na kahapon ang limang huling biktima ng lumubog na tourist boat sa Indonesia na ikinamatay ng 15 katao.

Ayon kay Agustiawarman, pinuno ng Tanjung Pinang Disaster Management Agency, dalawa lamang sa 17 taong sakay ng maliit na bangka ang nasagip matapos itong tumaob sa maalong karagatan noong Linggo sa Bintan island ng Indonesia.

Nahirapan ang 20 barko at 50 bangkang pangisda sa paghahanap sa mga biktima dahil sa malalaking alon at malakas na hangin.

Sakay ng bangka ang mga lokal na turista na patungong Penyengat island, may 6 kilometro ang layo mula sa lungsod ng Tanjung Pinang sa Bintan.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline