Gabby Conception GMA copy

PUMIRMA ng exclusive contract sa GMA Network ang seasoned actor na si Gabby Concepcion last Wednesday. Present ang lahat ng executives ng network, led by GMA Chairman/CEO Felipe L. Gozon at ang manager ni Gabby na si Popoy Caritativo.

“I’m very, very grateful, I think it’s going to be a good year,” sabi ni Gabby after ng contract signing. “Malapit na ang birthday ko, kaya this is really a good birthday gift. Definitely, we are doing other shows in GMA.”

Matatandaan na binansagang Boss Yummy si Gabby sa katatapos lang niyang romantic-comedy primetime series na Because of You with Carla Abellana. At since iyon ang uso ngayon, iyon ang susunod na project ni Gabby.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Isang comedy show muna ulit ang gagawin namin, pahinga muna tayo sa drama. Magpapatawa at magpapasaya muna tayo ngayon, kaya tuluy-tuloy ninyo akong mapapanood after ng role ko as Boss Yummy.”

Naitanong kay Gabby ang third daughter niyang si Cloie na kasali sa Miss Universe Sweden 2016.

“Proud ako kay Cloie at natutuwa ako na sumali siya sa contest. Masaya ako sa mga anak ko (sina KC at Garie ang dalawa pa niyang anak) at ipinagmamalaki ko sila. I wish them good luck sa lahat ng ginagawa nila.”

Next year, dito sa Pilipinas gagawin ang Miss Universe, at kung mananalo sa Sweden si Cloie at maging representative, hindi kataka-takang magkita na silang mag-ama. (NORA CALDERON)