Inaasahang magiiba ang antas ng kompetisyon sa ginaganap na NCAA Season 92 men’s basketball tournament.

Ito ang ibinabadya kasunod nang pagkakalagay sa alanganin sa kampanya nang league leader San Beda College makaraang ma-injured ang kanilang Cameroonian slotman na si Donald Tankoua.

Nagtamo ang 6-6 center ng punit sa kanyang ACL (anterior cruciate ligament) sa nakaraang 90-82 panalo kontra Emilio Aguinaldo College nitong Biyernes.

Mismong sina San Beda coach Jamike Jarin at team manager Jude Roque ang nagkumpirmaa ng masamang balita.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We already knew last night (Friday),” ayon kay Jarin.

“Yes, it’s true,” segunda naman ni Roque.

Sa pagkawala ni Tankoua , dagok ito sa Red Lions dahil nag-aaverage ito ng 16 puntos, 11 rebound at 1.5 block.

“We need effort from the whole team to make up for the absence of Donald (Tankoua),” ani Jarin. (Marivic Awitan)