IBAAN, Batangas – Blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng bangkay ng babae na nakabalot ng packaging tape ang mukha, at natagpuan malapit sa isang eskuwelahan sa Ibaan, Batangas.

Ayon sa report ni PO3 Reynaldo Dusal, ng Ibaan Police, dakong 6:15 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay na nasa limang talampakan ang taas at nasa edad 40-45.

Nakasuot ang biktima ng mini-skirt at violet/black striped blouse nang matagpuan sa provincial road sa Barangay Talaibon, malapit sa Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo at inaalam ang suspek sa krimen. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito