Limang katao, kabilang ang apat na bata, ang nalunod makaraang lumubog ang sinasakyan niyang pump boat sa Surigao City nitong Miyerkules, iniulat kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo na posibleng magkakamag-anak ang mga nasawing sina Charmel Cabasa, isang taong gulang; Jhon Laster Sila, 2; Kim Claire Suan, 4; Lysa Maricela Sila, 9; at Rena Sila, 34 anyos.

Sinabi ng PCG na lumubog ang pump boat na Charmel Jade sa karagatan ng Barangay Manjagao sa Surigao City dakong 1:00 ng hapon nitong Miyerkules.

Ayon sa paunang imbestigasyon kay Edith Cabasa, may-ari at kapitan ng bangka, 12 katao ang sumakay mula sa Bgy. Manjagao dakong 11:00 ng umaga nang araw na iyon patungo sa Cagayan Fish Cage para mag-swimming.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gayunman, pinaghahampas ng malakas na hangin at naglalakihang alon ang bangka hanggang sa lumubog ito 30 minuto makaraang maglayag.

Nagawanamang mangunyapit sa bangka ng pito sa mga pasahero, na nasagip ng isang nagdaang pump boat dakong 1:00 ng hapon. (Argyll Cyrus B. Geducos)