CABANATUAN CITY - Libu-libong operatiba ng militar, pulisya, Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang tatanggap ng 20 kilong bigas simula sa susunod na buwan.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, ang rice allowance ay isang non-salary benefit na ipinangako ni Pangulong Duterte.

Hindi naman idinetalye ng kalihim kung magkano ang gagastusin ng gobyerno sa pamamahagi ng bigas, na magmumula sa National Food Authority (NFA). (Light A. Nolasco)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito