Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas ang isang pedicab driver matapos umanong pagbabarilin nang malapitan ng hindi nakilalang gunman sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arlene Banares, 44, ng No. 738 E. Rodriguez St., Barangay 165, Zone 18, Malibay ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO3 Giovanni Arcinue ng Pasay City Police, dakong 10:30 ng gabi kamakalawa nangyari ang pamamaril sa harapan ng Hauling Services Corporation sa C. Jose St., Malibay.

Bigla umanong sumulpot ang armadong suspek na lulan sa isang motorsiklong walang plaka at makailang ulit na binaril ang biktimang naghihintay ng pasahero sa lugar. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20