COCO, ONYOK, DIREK JOYCE, AURA AT VICE copy

HINDI na kami magtataka kung mapapadalas ang guesting sa Gandang Gabi Vice ni McNeal Briguela o Aura at Mac Mac naman sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil nag-enjoy ang lahat ng mga manonood sa showdown nila ni Vice Ganda nitong nakaraang Linggo.

Hindi namin napanood ang nasabing episode pero panay ang kuwentuhan ng mga kaibigan namin na nakapanood at talagang naloka raw si Vice kay Aura na hindi nagpakabog sa sayawan, aktingan at lalo na sa batuhan ng punchlines.

Impromptu raw ang aktingan nina Vice at Aura at bumilib ang TV host sa bilis ng utak ng bagets sa sagutan nila.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Hinagilap tuloy namin sa YouTube ang naturang GGV episode at totoo nga, wala kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa pati na rin sina Coco Martin, Pepe Herrera at Onyok na kasama nilang nag-guest.

Kitang-kita na nag-enjoy nang husto si Vice sa pakikipag-usap kay Aura kaya kapag napanood muli ang bagets sa Gandang Gabi Vice sa mga susunod na Linggo, alam mo na, Bossing DMB.

Actually, bitin ‘yung hiritan nina Vice at Aura kaya puwedeng umisa pa o semi-regular na lang para hindi naman magsawa ang viewers.

Sorry to say, pero hindi kami nag-i-enjoy sa bagong segment ng GGV na “Tawag ng Talakan,” inaantok kami. Nakatulong ba ‘yun sa pagtaas ng ratings?

Anyway, kasama si Aura sa pelikula nina Coco at Vice na entry ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival sa direksiyon ni Joyce Bernal. (Reggee Bonoan)