SAN JOSE, Tarlac - Apat na katao ang duguang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital matapos magkasalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Moriones-San Jose Road sa San Jose, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Arham Mablay ang mga biktimang sina Mark Anthony Flores, 19, empleyado, driver ng Maton EX 125 motorcycle (CO-34406), ng Bgy. Villa Aglipay; at Lito Mayo, 33, magsasaka, driver ng Skygo 125 motorcycle.

Sugatan din ang dalawang angkas ni Mayo na sina Rich Angel Sanchez, 8; at Shella Mae Mayo, 8, pawang taga-Bgy. Moriones, San Jose, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?