Ni NITZ MIRALLES

barbie_forteza_1433823542 copyHINTAYIN natin kung paano sasagutin ni Barbie Forteza ang isyung medyo na-insecure sa kanya si Nora Aunor nang mapanood ang 2016 Cinemalaya entry nilang Tuos. Hindi raw sa acting na-insecure ang superstar kay Barbie kundi sa rami ng exposure ng young actress sa pelikula.

Gusto raw sanang magpadagdag ng eksena ni Nora, pero hindi na puwede, hindi na aabot sa deadline ng Cinemalaya. Kaya tingnan natin ang eksena sa gala premiere ng nasabing pelikula sa Monday.

Dumating kaya si Nora at sasagutin kaya ang mga itatanong ng reporters tungkol sa isyung ito?

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ang sabi, kaya mas maraming eksena si Barbie kesa kay Nora sa Tuos dahil nagkasakit ang superstar sa shooting, kaya dinagdagan ang mga eksena ni Barbie. Nang mapanood daw ni Nora ang pelikula, doon nakitang mas mahaba ang exposure ni Barbie kesa sa kanya.

But knowing Nora, tiyak na pagtatawanan lang niya ang isyung ito. Siya pa ba ang mai-insecure? Kilala siyang sumusuporta sa mga bago at batang artista hangga’t kaya niya.

Basta ang alam namin, sold out na ang tiket sa gala premiere ng Tuos sa bukas, pahirapan na ang pagbili ng tiket. Sa mga hindi makakapanood sa CCP, sa cinema complex ng Ayala Malls n’yo na lang hintayin ang showing ng pelikula sa direction si Roderick Cabrido.

Anyway, may isa pang mainit na isyu kay Barbie, ang pag-unfollow daw sa kanya ni Andre Paras sa Twitter. Ano ang ganap sa dalawang ito, eh, sa birthday presentation ni Barbie sa Sunday Pinasaya nag-guest pa si Andre at masaya silang dalawa.

Kung may isyu man sa kanila, kailangan nilang magkabati dahil balita namin, may gagawin uli silang soap sa GMA-7.