Naghihimas ngayon ng malamig na rehas ang isang construction worker matapos umanong tagain ang kanyang kapitbahay na nambintang umano sa kanyang anak na nambabato ng bubong ng bahay sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa.

Ang suspek na si Richmond Calitang, 41, ng 1406 D. Jose Street, Sta. Cruz, ay inireklamo sa pananaga ng kanyang kapitbahay na si Ramil Valenzona, 35, residente rin sa naturang lugar.

Sa ulat ni Police Supt. Jackson Tuliao, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 3, nabatid na dakong 1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa labas ng kani-kanilang mga tahanan.

Bago umano mangyari ang pananaga ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sina Calitang at Valenzona nang akusahan ng huli ang anak ni Calitang na naghahagis ng mabibigat na bagay sa kanyang bubong.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kasagsagan ng pagtatalo ay dalawang ulit umanong tinaga ni Calitang si Valenzona gamit ang isang bolo na nagresulta sa pagkakasugat ng biktima. - Mary Ann Santiago