Kalaboso ang isang dayuhan matapos umanong magwala at maghamon ng away sa Binondo, Manila kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong breach of peace si Yong Chu, 51, Chinese, negosyante, at residente ng 845 Ongpin St., Binondo, Manila.

Ayon kay Police Supt. Amante Daro, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 11, dakong 5:00 ng hapon nang arestuhin si Chu sa Sabino Padilla St., sa kanto ng Ongpin St., sa Binondo.

Nagpapatrulya umano sina PO1 Jesus Jacalne at PO1 Jhoemard Gascon nang marinig na nagwawala at nagsisigaw ang dayuhan at naghahamon pa ng away na naging dahilan ng kanyang pagkaaresto. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20