BAUAN, Batangas – Patay ang sinasabing leader ng isang sindikato matapos umanong manlaban sa mga awtoridad nang magsagawa ng raid sa Bauan, Batangas, kahapon.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office director Senior Supt. Leopoldo Cabanag, Jr., kumpirmadong napatay si Nilo Bantugon, na sinasabing leader ng sindikatong Bantugon Group sa probinsiya.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City, Laguna, dakong 9:00 ng umaga nang isagawa ang raid at nakatakas ang nasa limang kasama ni Bantugon makaraang suyurin ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Batangas Provincial Public Safety Command (BPPSC) ang bahay ng suspek sa Barangay Baguilawa.

Narekober umano ng mga awtoridad sa lugar ng krimen ang isang .45 caliber pistol, isang AK47 at mga bala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Si Bantugon ay kapatid ni Batangas Board Member Arlina Magboo ng ikalawang distrito. (Lyka Manalo)