Wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang isang lalaking umano’y sangkot sa ilegal na droga, sa gilid ng kalsada sa Pasay City, kahapon ng tanghali.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “Jeffrey”, nasa hustong gulang, kilala umanong tulak at adik sa kanilang lugar sa Kalayaan Village, Barangay 201 ng nasabing lungsod, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief, Supt. Jenny Tecson, dakong 12:00 ng tanghali kahapon, nadiskubre ni Noel Santos, barangay tanod, ang duguang bangkay ng biktima sa gilid ng Kalayaan Road, Kalayaan Village, Bgy. 201.

Sa naging pahayag ni Santos sa Pasay City Police, nasa harapan siya ng barangay hall nang makarinig ng dalawang putok ng baril sa naturang lugar kaya’t agad umano niyang pinuntahan ang lugar hanggang sa madiskubre ang bangkay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Bella Gamotea)