Bakas ang matinding paghihirap na dinanas ng isang babae na dati umanong bilanggo at sangkot sa ilegal na droga matapos patayin ng hindi kilalang suspek at itapon ang bangkay nito sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, kinilala ang biktima sa alyas na “Betchay”, nasa hustong gulang, miyembro umano ng Sigue-Sigue Sputnik Gang.

Natagpuang nakagapos, gamit ang packaging tape, ang mga kamay at paa, maging ang mukha ng biktima ay tinakpan din at isinilid sa sako at itinapon malapit sa Philippine Trade Center, sa Roxas Boulevard.

Walang nakitang tama ng bala at saksak sa katawan ng biktima subalit mayroon umano itong malalim na sugat sa kanyang ulo na pinaniniwalaang hinataw ng matigas na bagay na naging sanhi ng pagkamatay nito. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20