Hindi na nakapalag pa ang dalawang most wanted, isa na rito ang matandang dalaga, nang sila’y hainan ng warrant of arrest sa magkahiwalay na operasyon sa Las Piñas City, nitong Huwebes ng hapon.

Nasa kustodiya ng Las Piñas City Police ang mga suspek na sina Joey Cadasio, 46, karpintero, ng No.165 Lasaca St., Bgy. CAA ng nasabing lungsod, at Lara Mae Domingo, 42, ng No. 242 Neptali Gonzales St., Sitio 4, Bgy. San Jose, Mandaluyong City.

Dakong 1:00 ng hapon kamakalawa unang dinakip ng mga tauhan ng Warrant Section, sa pamumuno ni Senior Insp. Lara, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 254 Judge Gloria Aglugub kaugnay sa kasong homicide, ang suspek na si Cadasio sa sarili nitong tahanan sa naturang lugar.

Samantala, hindi sukat akalain ni Domingo na ang pagpunta nito sa Las Piñas City Hall ang magiging daan upang siya’y maaresto, dakong 2:30 ng hapon. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20