XIAN copy

MAGBABALIK si Xian Lim sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado bilang lalaking determinadong makamit ang pangarap na maging radio personality sa kabila ng maraming karamdaman.

Lumaki si Raymond (Xian) na nakikinig sa radyo ito lamang ang napaglilibangan niya sa kanilang tirahan sa Sultan Kudarat. Sa araw-araw na pakikinig, napagtanto ni Raymond na gusto niyang maging radio personality.

Pero nagkaroon siya ng sakit na leukemia sa murang edad. Sa tulong ng kanyang ina na si Erlinda (Lara Quigaman), bumuti ang kalagayan ni Raymond ngunit umpisa pa lang pala ito ng mga kondisyong medikal na kailangan niyang harapin.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Binata na si Raymond nang makakuha siya ng pagkakataong maging DJ sa isang istasyon ng radyo na dalawang oras ang layo sa kanilang bahay at tuwing alas kuwatro ng umaga ang kanyang shift o programa. Nag-aaral pa siya noong mga panahon na iyon at dahil sa dagdag na bigat ng trabaho ay bumagsak ang bilang ng kanyang white blood cells. Dahil sa matinding pag-aalala ay pinahinto siya ng ina sa trabaho hangga’t hindi pa siya nakatatapos sa pag-aral.

Ito na ba ang katapusan ng mga pangarap ni Raymond? Ipipilit pa rin ba niyang magtrabaho sa radyo o mas pipiliin niyang pangalagaan ang kanyang kalusugan?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina William Lorenzo, Bugoy Cariño, John Vincent Servilla, Angelo Alayon, Maggie dela Riva, at Gigi Locsin, mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos at sa direksiyon ni Raz dela Torre.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.