CABANATUAN CITY – Isang umano’y big-time drug pusher sa Nueva Ecija ang nalambat ng mga operatiba ng Cabanatuan City Police sa mismong bahay nito sa Barangay Bantug Norte, habang isa pang sinasabing tulak ang nanlaban umano at napatay sa buy-bust sa Bgy. Bantug Bulalo, nitong Miyerkules.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, nasamsam mula sa naarestong si Bernabe Candido y Reyes, 56, ang may 240 gramo ng hinihinalang shabu, isang .45 caliber Norinco pistol, isang granada at drug paraphernalia.

Ibineberipika pa ni Zafra ang napaulat na si Candido ay protektado umano ng isang mataas na opisyal ng pulisya.

Napatay naman sa buy-bust si Kenneth Biernes y Cinneza, 24, binata, at nakumpiskahan ng isang .38 caliber revolver na kargado ng bala, pitong bala ng .9mm caliber, at apat na sachet ng hinihinalang shabu. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito