Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang umano’y notoryus na tulak nang matagpuang tadtad ng saksak ang bangkay nito sa isang bakanteng lote sa Las Piñas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Las Piñas City Police chief senior Supt. Jemar Modequillo ang biktima na si Simplicio Arcenal, nasa hustong gulang, ng Saint Mary Compound, Barangay Almanza Uno ng nasabing lungsod.

Dakong 7:45 ng umaga kahapon nang nakatanggap umano ng tawag ang tanggapan ng Police Community Precinct (PCP) 7 sa pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima na naliligo umano sa sarili nitong dugo.

Mabilis na rumesponde ang tauhan ng PCP 7, sa pangunguna ni Chief Insp. George Tilos, sa naturang lugar na natagpuang nakapulupot sa leeg ng biktima ang isang karatula na may katagang “pusher ako, huwag tularan”, at may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober mula sa bulsa ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu. (Bella Gamotea)