Isang pedicab driver na umano’y asset ng mga pulis at kasama rin umano sa drug watchlist ang ibinulagta ng riding-in-tandem sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Isang tagusang tama ng bala sa leeg ang tumapos sa buhay ni Danilo Mendoza Jr., 39, pedicab driver, residente ng 538 Penalosa St., Tondo, Manila.

Wala namang makapaglarawan o makapagbigay ng pagkakakilanlan ng mga suspek, na tumakas lulan ng isang motorsiklo, dahil nakasuot ng helmet ang driver nito, habang ang gunman na nakaangkas ay nakasuot naman ng bull cap.

Sa ulat ni Det. Glenzor Vallejo, imbestigador ng Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS) ng Manila Police District (MPD), lumilitaw na dakong 8:26 ng gabi nangyari ang krimen sa Franco St., sa kanto ng Penalosa St., sa Tondo, Manila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakatayo lang umano ang biktima sa lugar nang bigla na lang sumulpot ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek at malapitang pinaputukan sa leeg ang biktima.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman sa ilegal na droga o sa pagiging police asset ng biktima ang pangyayari. (Mary Ann Santiago)