CARACAS, Venezuela (AP) – Lima ang patay at 30 ang nasugatan sa pagsabog sa bakuran ng isang bilangguan sa Venezuela.

Sinabi ng public prosecutor’s office na may naghagis ng dalawang pampasabog noong Miyerkules ng gabi sa Alayon detention center sa bayan ng Maracay, dalawang oras ang layo mula sa kanluran ng Caracas.

Naganap ang pagsabog habang nag-aaway ang mga preso. Naglunsad na ng imbestigasyon ang mga awtoridad.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'