MAJA AT JOHN LLOYD copy copy

ANG ganda ng ipinost ni Maja Salvador sa Instagram na picture nila ni John Lloyd Cruz at mga kasama na nanood ng Star Cinema movie na How To Be Yours. Ginaya pa ng dalawa ang pose nina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa poster ng pelikula.

Marami ang bumilib kay Maja dahil nakayang panoorin ang pelikula na ang leading man ay ex-boyfriend niya. Patunay daw ito na bonggang-bongga na siyang naka-move on sa break up nila ni Gerald. Unlike Gerald na hindi pa raw makayang panoorin si Maja sa TV na ino-off ‘pag nasa screen ang dalaga o ‘di kaya’y hindi pinapanood ang show na kasama siya.

Pero dahil sa magkasamang nanood ng How To be Yours, may mga nag-akala namang sina Maja at John Lloyd na o ‘di kaya’y nasa ligawan stage na. May mga kinilig, pero may mga hindi rin natuwa dahil magkaibigan daw sina Maja at Angelica Panganiban.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero marami ang dumepensa kay Maja, bukod sa naka-move on na ito sa break-up nila ni Gerald, wala ring bitterness sa katawan nito. In fairness, bagay din sila ni John Lloyd, kaya lang friends lang yata ang dalawa.

Samantala, number five si Maja sa Top 10 Beautiful Celebrities of the Philippines ng The Gazette Review. Nakalagay sa bio ni Maja na siya ang “Dance Princess” at bukod sa acting, TV star din siya at recording star pa. (NITZ MIRALLES)