Isang napakalaking suwerte ang dumating sa buhay ng isang 62-anyos na biyudang taga-Cebu City makaraan niyang matsambahan ang P272 milyon na jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto.

Personal na kinubra nitong Miyerkules ng Cebuana ang kanyang tseke mula sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City.

Solong napanalunan ng biyuda ang P272,868,832 jackpot prize matapos matsambahan—sa pamamagitan ng lucky pick—ang mga numerong 13-35-24-09-06-53.

Mag-isang itinaguyod ang tatlo niyang anak, sinabi ng Cebuana na isang taon na siyang nagbabaka-sakaling manalo sa lotto ngunit hindi niya inakalang ang sistemang lucky pick ng lotto ang makapagpapanalo sa kanya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi niya na gagamitin niya ang pera para palaguin ang kanyang negosyo sa Cebu, bukod pa sa ipamamahagi ang mga ito sa kanyang mga anak at mga apo. (Jenny F. Manongdo)