Ipaghaharap ng kasong administratibo ang tatlong pulis na tumangging sumailalim sa mandatory drug test sa South Cotabato.

Ayon kay Senior Supt. Franklin Alvero, director ng South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO), hindi sumipot ang tatlong pulis sa kabila ng direktiba na sumailalim ang mga ito sa drug testing ng Police Regional Office (PRO)-12.

Sinabi ni Alvero na hindi muna pinangalanan ang tatlong pulis na nakatalaga sa Koronadal City at Polomolok.

(Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog