SAN JUAN, Batangas – Sugatan ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Night Market ng San Juan, Batangas.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril kay Dennis Adan, 42, kagawad ng Barangay Lipahan.

Ayon sa report ni SPO1 Reynaldo Red, dakong 7:30 ng gabi nitong Martes, nag-aasikaso ng panindang sisig si Adan sa Night Market sa Bgy. Poblacion nang dumating ang isang suspek at kaagad siyang pinagbabaril sa ulo.

Gumamit ng .45 caliber pistol ang suspek, na nakasuot ng itim na jacket at maong na pantalon na tumakas sakay sa motorsiklo. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog