Makalipas ang 14 na taong pagtatago sa batas, tuluyan nang nadakip ang umano’y convicted drug pusher nang mamataan sa Valenzuela City, noong Martes ng hapon.

Ayon kay Police Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, si Danilo Dela Cruz, 60, ng Dulong Tangke, Barangay Malinta ay hinatulan ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 171 ng 12 hanggang 14 na taong pagkakakulong noong 2004 sa kasong Violation of Sec 11 Art. 11 of R.A. 9165.

Mayroon din umano itong pending warrant of arrest sa kasong illegal possession of dangerous drugs sa Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 75 noong 2002.

Nabatid na si Dela Cruz ay naaresto nina Police Sr. Inspector Milan Naz, head ng Follow-Up Division, at PO3 Roberto Santillan sa Dulong Tangke, Barangay Malinta dakong 4:00 ng hapon habang naglalakad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa panayam kay PO3 Santillan, mahigit isang linggo ding naka-undersurvelliance si Dela Cruz matapos makatanggap ng impormasyon na pakalat-kalat ito sa kanilang lugar.

Nasa listahan din umano ng Valenzuela Police si Dela Cruz kaugnay sa pagbebenta ng ilegal na droga. (Orly L. Barcala)