BATANGAS CITY, Batangas – Nakatangay ang mga kawatan ng nasa P250,000 halaga ng pera at electronic gadgets sa panloloob sa apartment ng dalawang Korean sa Heights Subdivision sa Barangay San Antonio sa bayang ito, nitong Lunes.

Ang mga biktimang sina Hong Jung Su, 37, may asawa; at Park Jong Kyu, 36, ay kapwa administrative manager ng Global Woojin, Inc. na nasa CPIP Complex sa Calamba City, Laguna, at residente ng Avila Street sa nasabing subdibisyon.

Sa pamamagitan ng isang interpreter, sinabi ng mga biktima na nahihimbing sila dakong 12:00-1:00 ng umaga nang looban sila ng mga suspek, na tumangay sa Samsung laptop computer (P80,000), Samsung Galaxy Note (P40,000) at P48,750 cash ni Su; at HP laptop (P60,000) at isang Galaxy Edge cell phone (P30,000) ni Kyu. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito