LLANERA, Nueva Ecija - Arestado ang isang 26-anyos na security guard at kasamahan niya makaraang pagbabarilin ng una ang isa niyang kainuman na umaawat lang sa pakikipagtalo niya sa isa pa sa Rizal-Pantabangan national road sa Purok 6, Barangay Gen. Ricarte sa bayang ito, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Romeo Gamis, Jr., OIC ng Llanera Police, ang nasawi na si Fernando Cudal y Rivera, 48, magsasaka, may asawa, ng Bgy. Gen. Ricarte, habang agad namang nadakip sina Jason Valdez y Soria, 26, security guard, ng Abar 1st San Jose City; at Freddie Agaran.

Sa imbestigasyon, dakong 4:30 ng hapon nang sa gitna ng inuman ay nakipagtalo si Valdez sa isang alyas “Boyong”, na inawat ni Cudal.

Nagalit si Valdez, na inabutan ni Agaran ng bag na may lamang baril, at pinagbabaril si Cudal. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog