DAVAO CITY – Nadiskubre ng mga tauhan ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang walong-kilong improvised explosive device (IED) na itinanim sa dalampasigan sa Barangay Sinoron sa Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Lunes, ng umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa isang pahayag, sinabi ni Capt. Rhyan B. Batchar, hepe ng Division Public Affairs ng 10th Infantry Division, na ang IED—na itinuro ng isang sibilyan—ay pinaniniwalaang itinanim ng Guerrilla Front 51 ng NPA-Southern Mindanao Regional Committee (SMRC). (Antonio Colina IV)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog