Dalawang miyembro ng umano’y “Budol-Budol Gang” at Swindling Syndicate na sangkot umano sa ilegal na droga ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang naging sanhi ng agarang pagkamatay ng mga biktima na kinilalang sina Ferdinand Idloy at Vanghie Reyes, kapwa nasa hustong gulang, ng block 2, lot 26, Barangay Panapaan, Bacoor, Cavite.

Sa ulat na isinumite ni Taguig City Police chief senior Supt. Allen Ocden kay acting Southern Police District (SPD) director chief Supt. Tomas Apolinario Jr., dakong 6:00 ng gabi pinaulanan ng bala ng isa sa mga suspek na sakay ng motorsiklong walang plaka ang sinasakyang tricycle ng mga biktima sa No. 54 at No. 52 MLQ St., Bgy. Hagonoy.

Batay sa rekord ng pulisya, ang dalawang biktima ay kasapi ng Budol-Budol Gang at Swindling Syndicate na may operasyon sa Metro Manila, Region 4-A at Region 3, maliban pa ang pagkakasangkot sa ilegal na droga. (Bella Gamotea)

Eleksyon

'Babalik na sa politika!' De Lima, lead nominee ng Mamamayang Liberal party-list