ZANJOE ANGEL SAM AT DIREK JASON PAUL copy copy

MAG-IISANG taon nang break sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Hindi kagandahan ang naging ending ng mahigit limang taong relasyon nila. Pero ayon Zanjoe, kahit nagkahiwalay ay napanatili nila ang pagiging magkaibigan.

“Okey kami, kahit hindi kami nagkikita, eh, in good terms pa rin naman kami,” sabi ni Zanjoe last Sunday.

So, open pa rin ang komunikasyon nila?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Well, basta okey kami. Pareho kaming may number sa isa’t isa,” maikling tugon ni Zanjoe, halatang iniiwasan nang idetalye pa ang kung anumang estado ng friendship nila ni Bea na sinasabi niya.

Napanood na ba niya ang How To Be Yours movie ni Bea katambal ang ex din nitong si Gerald Anderson?

“Hindi. Busy pa ako masyado,” tugon ni Zanjoe.

Ang seryeng Tubig at Langis ang pinagkakaabalahan ni Zanjoe na halos araw-araw pala ang taping nila at naisingit pa rin naman niya ang pelikula with Angel Locsin at Sam Milby titled Third Party sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Tuwang-tuwa si Zanjoe at nabigyan siya ng pagkakataon na makagawa uli ng pelikula.

“Super excited ako sa movie naming ito. Last movie ko, eh, two years ago pa. Talagang naghihintay ako ng isang script na maramdaman kong gustung-gusto kong gawin. Kumbaga, ang istorya, eh, gusto ko, at heto na at dumating na ngayon” sey ng actor.

Nakakalimang shooting days na siya sa naturang movie .

“Focus muna tayo sa career. Kumbaga, enjoy muna ang mga dumarating na opportunities lalo na ngayong single tayo. Ang dami ko pang inaasikaso para sa sarili ko,” seryosong lahad ni Zanjoe Marudo.