Albie copy copy

PATULOY na gumaganda ang takbo ng showbiz career ni Albie Casiño. Vindicated na kasi ang poging aktor simula nang mapatunayang hindi siya ang ama ng ipinagbuntis at ipinanganak ng isang dating young actress.

Millenial hunk ang bagong bansag kay Albie at hindi kami magtataka kung ideklara siyang sexiest male alive. Sadyang kinarir niya ang pagtungo sa gym to achieve a perfect physique na tinitilian ngayon ng marami, beki man o hindi. 

Lalo pang mapapansin ang magandang hubog ng katawan niya kapag ipinalabas na ang pelikulang This Thing Called Tanga Na.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Buhay ng various bekis ang tinatalakay ng pelikula na mula sa panulat ni Sennedy Que at pinagbibidahan nina Eric Quizon, Billy Crawford, Martin Escudero at Angeline Quinto.

Boy toy ni Eric, na gumaganap naman bilang mayamang businessman at lawyer, ang role ni Albie.

“Nahirapan ako noong una at kinabahan dahil sa bed scenes namin ni Eric. Nakatulong nang malaki ang pagiging direktor ni Eric para magawa ko nang tama ang eksena. Very entertaining ang pelikula at proud ako na maging bahagi nito,” pakli ni Albie na nagkibit-balikat lang sa katanungan kung may nagpapahiwatig na ba sa kanya ng indecent proposal.

 

“I take it with a grain of salt,” sabi ni Albie. (REMY UMEREZ)