Sunud-sunod na pinaputukan ng mga awtoridad ang umano’y notoryus na tulak ng ilegal na droga matapos nitong manlaban sa kinauukulan, sa Barangay 188, Caloocan City nitong Sabado ng gabi.

Napatay ng mga pulis si Bong Oro, 43, ng 4th Avenue, Barangay 188, Caloocan City, dahil sa halip umanong sumuko ay pinaputukan pa niya ang mga ito nang makitang siya’y aarestuhin.

Kabilang umano si Oro sa listahan ng ilegal drug personalities na isinumite ng kanilang barangay sa mga awtoridad.

Narekober mula kay Oro ang isang kalibre .45 at dalawang pakete na naglalaman ng shabu, ayon pa sa ulat.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Ayon sa mga barangay official, inabisuhan na si Oro na sumuko ngunit ito’y bigo. (Jel Santos)