NEW DELHI, India (AFP) – Isang ina at kanyang dalagitang anak ang ginahasa ng isang grupo ng kalalakihan matapos kaladkarin mula sa kanilang sasakyan sa labas ng New Delhi, sinabi ng pulisya nitong Linggo, ang huli sa brutal sexual attack sa India.

Ayon sa ulat, hinarang ng grupo ng mga magnanakaw ang sasakyan ng pamilya sa isang abalang kalye noong Sabado ng umaga. Kinaladkad palabas ng sasakyan ang ina at 14-anyos nitong anak na babae at ginahasa ng anim na kalalakihan.

Iginapos naman ng lubid ang apat na lalaking miyembro ng pamilya habang nilimas ng iba pa ang kanilang mga gamit.

Inaresto ng pulisya ang 16 na katao noong Linggo at pinaghahanap pa ang pangunahing suspek sa pag-atake na nangyari sa Uttar Pradesh, may 65 kilometro ang layo mula sa timog ng kabisera.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo