Ni Nitz Miralles

Lovi Poe
Lovi Poe
MABILIS ang pagtanggi ni Lovi Poe na patama niya kay Jessy Mendiola ang post niya ng kanyang legs sa Instagram. 

Ang caption kasi ni Lovi ng leg picture niya ay “PATA” na associated daw kay Jessy, kaya inakalang pinariringgan niya ang 2017 FHM Sexiest.

Sa tanong na “Is this for @senorita_jessy?” ng isang netizen, ang sagot ni Lovi, “Of course not. She’s indeed one of the most beautiful and sexiest women in the industry. Let’s not put meaning to this post po. God bless.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero may ayaw magpapigil sa pang-iintriga at nagtatanong kung friends ba sina Lovi at Angel Locsin at kung ang ibig raw bang sabihin ng pagpo-post ni Lovi ng kanyang legs ay bilang suporta kay Angel. 

Hindi man aminin, may gap na sina Angel at Jessy dahil kay Luis Manzano.

Anyway, kare-renew lang ni Lovi ng network contract sa GMA-7 at three years uli ang pinirmahan niyang kontrata sa kanyang home network.

“I have no second thought in renewing my contract with GMA Network. Lagi akong inaalagaan at happy ako rito. Magaganda ang projects na ibinibigay nila sa akin. Kung may demands ba ako sa new contract ko? Ask my manager na lang,” sagot ni Lovi sabay turo sa manager niyang si Leo Dominguez.

Una sa mga show na ginagawa ni Lovi sa three-year new contract niya sa network ang family drama na Someone To Watch Over Me oppositeTom Rodriguez sa direction ni Maryo J. delos Reyes.

“Importante sa akin ang project na ito because we will be raising awareness sa Alzheimer’s disease. Sa story, may onset ng Alzheimer’s disease si Tom who is my husband in the show. Ipapakita ang symptoms kung paano malalamang may Alzhemeir ang isang tao,” kuwento ni Lovi.

Naintriga ang mga nag-iinterbyu kay Lovi sa kaswal na ikinuwento niya na dahil mag-asawa ang role nila ni Tom, kahit wala sa script, hinahalikan niya ang aktor.

“Para lang ma-establish na we are a happy married couple kaya kini-kiss ko siya and usually, nagki-kiss naman ang mag-asawa. Sabi ko kay Tom, tayo na lang ang bahala, kaya kini-kiss ko siya and we just do it naturally,” may kapilyahang wika ni Lovi.

Kung hindi sa last week ng August ay sa first week ng September ang airing ng Someone To Watch Over Me, panoorin nga natin para makita ang kissing scenes nila ni Tom na wala sa script.