Nangibabaw ang tambalan nina Gerald Jamili at Cherry Clarice Parcon, gayundin ang magkasanggang sina German Enriquez at Ma. Danella Renee Publico sa 2016 Dance Sports Council of the Philippines Inc. Midyear Ranking Competition nitong weekend, sa Philsports Multi-Purpose Arena sa Pasig City.
Nakopo nina Jamili at Parcon ang Latin Amateur Grade A title kontra kina Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo at tambalan nina Wilbert Aunzo at Pearl Marie Cañeda at Bert Kevin Diluvio, at Jam Flores.
Nagwagi naman sina Enriquez at Publico sa Standard Amateur Grade A laban kina Tristan John Ducay at Willanne Rose Ducay; Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla, at Mark Jayson Gayon, at Mary Joy Renigen.
Inorganisa ang torneo ni DSCPI president Becky Garcia sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Flawless, Calata Corporation, Michelle Lee, Muebles Italiano, Manila Pianos Inc., Caruso Ristorante Italiano, Vitug Beach Resort, Villa Brockman, Giordano, Retro DCG-FM 105.9, at The Greenery Bulacan.
Ang susunod na torneo ay nakatakda sa Setyembre 10 sa gaganaping Cebu Open at sa Oktubre 15 para sa DSCPI Midyear Ranking and Competition sa Philsports Multi-Purpose Arena (Ultra).
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa DSCPI Secretariat sa tel. blg. 637-2314.