SINGAPORE (AFP) – Tinamaan ng mahika ng Harry Potter ang Asia nitong Linggo ng umaga, dumagsa ang mga nangangarap na maging witch at wizard sa mga bookstore upang makakuha ng kopya ng bagong dula sa pakikipagsapalaran ng bida.

Ginanap ang mga launch party para sa “Harry Potter and the Cursed Child” ilang oras matapos ang premier ng dula sa London, inihanda ang entablado para sa pagbabalik ng serye na kinahumalingan ng mga mambabasa at manonood sa buong mundo.

Halos 300 fans ang sumugod sa mga pintuan ng Kinokuniya bookstore sa Orchard Road ng Singapore dakong 7:01 am upang maging mga unang tao sa mundo na makita ang bagong script.

Itinuturing na ikawalong yugto ng Harry Potter, magaganap ang istorya ng dula 19 na taon matapos magwakas ang libro at tampok ang matandang si Potter na nagtatrabaho sa Ministry of Magic.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo