COLORADO SPRINGS, Colo. (AP) – Sinabi ng Colorado Springs Fire Department na si Republican presidential nominee Donald Trump ay kinailangang sagipin sa elevator na nakulong sa gitna ng una at ikalawang papalapag ng isang resort.

Sa pahayag na inilabas nitong Sabado, sinabi ng department na ipinatawag sila dakong 1:30 p.m. noong Biyernes upang sagipin ang 10 katao, kabilang na si Trump, na nakulong sa loob ng elevator sa The Mining Exchange resort.

Binuksan ng mga bomber ang tuktok ng elevator at nagbaba ng hagdan para makaakyat si Trump at mga kasamahan nito palabas ng ikalawang palapag. Walang nasaktan sa indsidente.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo