Patay ang isang matandang binata na sangkot umano sa ilegal na droga matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa Makati City, nitong Biyernes ng gabi.

Ilang tama ng bala sa ulo at katawan ang sanhi ng agarang pagkamatay ni Emilio Dela Mesa, 58, walang trabaho, ng No. 4562 Casino St., Barangay Palanan ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Jayson David ng Homicide Section ng Makati City Police, dakong 9:00 ng gabi sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklong walang plaka at isa rito ang bumunot ng hindi batid na kalibre ng baril at pinaputukan ng ilang beses ang nakatayong biktima sa harapan mismo ng kanyang bahay.

Matapos ang krimen, nag-iwan ang mga suspek ng karatula na may nakasulat na, “Wag akong tularan, tulak at adik ako”, bago tuluyang tumakas.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa ikadarakip ng mga suspek. (Bella Gamotea)