KUWAIT CITY (AP) – Hinatulan ng isang korte sa Kuwait noong Miyerkules ang isang mambabatas na Shiite ng mahigit 14 na taon sa kulungan sa pang-iinsulto sa mga gobyerno ng Saudi Arabia at Bahrain.

Si parliament member Abudlhamid Dashti ay hinatulan ng 11 taon at anim na buwan sa kulungan sa pang-iinsulto sa Saudi royal family, pagbabatikos sa relihiyon, at pang-iinsulto sa judiciary. Pinatawan din siya ng karagdagang tatlong taon sa kulungan sa pang-iinsulto sa Bahraini government.

Nilitis si Dashti nang wala siya at inalisan ng parliamentary immunity noong Marso, isang buwan matapos isumite ng Saudi Arabia ambassador to Kuwait ang official complaint sa Kuwait Foreign Ministry laban sa kanya.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo