“GRABE, ang suplado pala ni _____ (TV host/actor) sa personal. Samantalang kapag napapanood mo sa TV akala mo ang bait-bait at malapit sa tao. Daig pa niya ‘yung pinakabida ng show nila.”

Ito ang kuwento sa amin ng may-ari ng bahay na tinuluyan ng mga artista sa isang location shoot.

Super turn-off ang may-ari ng bahay sa TV host/actor..

“Inupahan kasi nila ‘yung office namin, ‘tapos since mainit ‘yung lugar namin at masikip ang kalye bukod pa sa maraming nanonood na tao, pinapapasok ko sila sa loob ng bahay namin since aircon naman ‘yung mga kuwarto at para makapagpahinga.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

“Tinawag ko silang lahat (mga artista), halos lahat pumasok at nakigamit pa nga ng banyo. Si _____ (TV host/actor) hindi talaga, doon na lang siya sa van niya kasi matutulog siya, okay na raw siya tutal malamig naman.

“Nagulat kami kasi talagang hindi lumabas ng sasakyan, pinasasabi lang sa driver niya.

“Ganu’n pala siya, hindi siya nakikipag-usap o ngumingiti sa lahat. Mabuti pa si _____ (aktor/pulitiko) at si _____ (TV host na mahal ng lahat) bumaba at kumaway sa fans at talagang nakitsika pa sa amin.

“Ang sa akin lang, since inupahan nila ‘yung parte ng solar ko, in return gusto ko namang maging kampante sila at pamemeriendahin pa, eh, dinedma ako. Hindi pala totoong mabait siya, suplado pala,” kuwento pa sa amin ng source.

Sabi naming, hayaan na lang tutal hindi naman na kalakihang artista ang actor/TV host kaya siguro gusto lang magpapansin.

“Ganu’n ba ‘yun, ‘pag hindi na sikat, kailangan maging suplado?” balik-tanong sa amin.

Opo, ganu’n para mapansin sila at para masabing hindi sila just-just. Ang tunay na sikat ay mababa ang loob at malapit sa tao at higit sa lahat, walang attitude dahil hindi niya inilalagay sa utak niya na sikat siya. Hindi kagaya ng laos nang TV host/actor na feeling sikat pa rin.

At dito kami natawa: “Mas matagal pa nga siyang natulog kaysa ‘yung kinunan siya, eh.”

Ha-ha-ha, nagsayang lang pala ng oras at gasolina ng sasakyan niya si _____ (TV host/actor) kasi isang eksena lang pala ang kinunan sa kanya. (REGGEE BONOAN)