‘Til death do us part.

Ito ang sinapit ng umano’y “drug couple” sa Malabon matapos paulanan ng bala habang sila’y kumakain ng masarap na hapunan sa kanilang tinutuluyan nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang magkasintahang biktima na sina Fernando Lorenzo, 34 at Ronalyn Sabala, 23. Sila ay may tinutuluyan sa Barangay Concepcion, Malabon.

Ayon kay Police Officer 3 Roy Mabasa, case investigator, kumakain ng hapunan sina Lorenzo at Sabala dakong 8:30 ng gabi nang sila’y atakihin ng gunman.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Sinabi ni Mabasa na basta na lamang pumasok ang gun man, nakasuot umano ng itim na t-shirt at bonnet, sa tinutuluyan ng magkasintahan.

Binunot umano ng suspek ang kanyang baril at sunud-sunod na pinaputukan sina Lorenzo at Sabala.

Ayon sa mga saksi, matapos umanong paulanan ng bala ang magkasintahan, umalis na lamang ang gunman na tila walang nangyari.

Base sa imbestigasyon, pitong tama ng bala ng baril ang natamo ni Lorenzo na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Habang isinugod naman umano sa Pagamutang Bayan ng Malabon si Sabala ngunit idineklarang dead on arrival. Siya ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril.

Ayon naman sa nakababatang kapatid ni Lorenzo, matagal nang gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga si Lorenzo.

(Jel Santos)