Diretso libingan ang isang drug pusher matapos pagbabarilin ng mga pulis habang nagbebenta ng ilegal na droga sa loob ng isang sementeryo sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng hapon.

Dead on the spot ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Arnel Bukol”, sanhi ng mga tama ng bala ng iba’t ibang kalibre ng baril sa katawan.

Ayon sa report ng pulisya, dakong 3:20 ng hapon, isinagawa ng mga tauhan ni Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, ang “Oplan Galugad” sa loob mismo ng Sangandaan Public Cemetery.

Habang nag-iikot umano ang mga awtoridad, nakita nila na binibentahan ng shabu ng suspek ang dalawang lalaki.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Nang makita ng tatlo ang papalapit na mga pulis, nagkanya-kanya na ito sa pagtakbo, at bumunot ng baril si Arnel Bukol at pinaputukan ang mga awtoridad.

Dito na napilitang magpaputok ng baril ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober mula kay Arnel Bukol ang kalibre .22, sumpak at isang plastic sachet na may lamang shabu.

Nakatakas naman ang dalawang lalaki na parokyano ng suspek. (Orly L. Barcala)