BOGOTA, Colombia (AP) – Nabahiran ng karahasan ang pagdiriwang ng Colombia sa tagumpay nito sa South American club soccer championship, nang apat na fans ang namatay sa gabi ng kasiyahan.

Sinabi ng mga awtoridad na nakapagtala sila ng mahigit 600 away-lansangan matapos umiskor ang Atletico Nacional ng 1-0 para talunin ang Independiente del Valle ng Ecuador noong Miyerkules sa gabi ng Copa Libertadores final.

Ayon sa pulisya, 23 katao pa ang nasugatan at mahigit 100 ang naaresto.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo