Hayes Grier copy

NAGPAPAGALING na ang dating kalahok sa Dancing with the Stars na si Hayes Grier mula sa tinamong mga pinsala sa car crash.

Ayon sa spokeswoman ng 16-year-old na social media celebrity, si Hayes ay “under great care” sa isang hospital. Hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.

Nag-post ang kapatid ni Grier sa Twitter noong Huwebes na nagtamo si Grier ng concussion, dalawang fractured ribs, at bruised lung.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Lumabas si Grier sa 21st edition ng ABC ballroom competition na Dancing With The Stars. Mayroon siyang 14 million followers sa Facebook, Vine, Instagram, at YouTube.

Iniulat ng Variety noong Hulyo 18 na nakatakdang lumabas si Hayes sa isang streaming comedy series na pagsusumikapan niyang pamahalaan ang 19-acre farm ng kanyang pamilya sa Moorseville, North Carolina. (AP)