Isa na namang pulis na naka-absent without leave (AWOL) ang napatay ng kanyang mga kabaro nang manlaban sa isang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang suspek na si Antonio Capuli, 45, dating miyembro ng PNP-Bataan, ng 525 A. Cristobal St., sa Sampaloc.

Batay sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong 10:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa tahanan mismo ni Capuli.

Nauna rito, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng MPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID) sa pangunguna ni P/Supt. Jerry Corpuz laban sa suspek.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Kaagad umanong nagpaputok ng baril ang suspek nang matunugang pulis ang pinagbentahan niya ng ilegal na droga.

Nasawi ang suspek nang gantihan ng putok ng mga pulis.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang walong pakete ng shabu, mga drug paraphernalia at isang kalibre .38 na revolver. (Mary Ann Santiago)