SYDNEY (AFP) – Isang masuwerteng lalaking Australian ang nanalo ng sariling island resort sa Pacific sa isang raffle kapalit lamang ng US$49 na biniling winning ticket.

Ang lalaki na kinilala lamang bilang Joshua, ay nanalo ng 16-room Micronesian resort sa bola na inorganisa ng Australian owners, na naghahanap ng mapamanahan ng Kosrae Nautilus Resort sa Micronesian island ng Kosrae, nasa kanluran ng Hawaii at hilaga ng Solomon Islands.

Sinabi ng co-owner na si Doug Beitz na umaasa siya na ang magwawagi ay “someone who likes warm weather, likes meeting new people from around the world, is adventurous”.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline