Mistulang lantaran na ang pagpatay sa mga hinihinalang drug pusher at user makaraang itumba nang katanghaliang tapat nitong Linggo ng hindi nakilalang suspek ang isang 38-anyos na lalaki na umano’y sangkot sa ilegal na droga sa Tondo, Maynila.

Isang tama ng bala sa noo ang tumapos sa buhay ni Genesis Labiana, alyas “Jenny Bakla”, ng Pier 2, APEX Compound, Barangay 20, Zone 2, District 1, Tondo, Manila.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang hindi nakilalang suspek bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Sa imbestigasyon ni PO3 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 11:10 ng umaga nitong Linggo at naglalakad si Labiana sa Gate 1 ng Parola Compound nang lapitan siya ng suspek at barilin sa noo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober ng mga awtoridad mula sa biktima ang apat na plastic sachet ng shabu na nakabalot sa P20 bill at isang basyo ng bala ng .45 caliber pistol. (Mary Ann Santiago)