ABU DHABI (AFP) – Lumapag ang Solar Impulse 2 noong Martes sa UAE, matagumpay na nakumpleto ang epikong paglalakbay upang maging unang sun-powered airplane na naikot ang mundo nang hindi gumamit ng kahit na isang patak ng fuel para isulong ang renewable energy.

Dakong 04:05 (0005 GMT) nang lumapag ang eroplano sa Al-Bateen Executive Airport, sa kabiserang Abu Dhabi matapos ang mahigit 48 oras na biyahe mula Cairo, ang final leg sa paglalakbay nito na nagsimula noong Marso 9, 2015.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo