LINGAYEN, Pangasinan – Isang retiradong miyembro ng Philippine Air Force (PAF) na umano’y gumagamit ng droga, ang ipinagising sa kanyang kapatid para pagbabarilin sa Barangay Aliwekwek sa bayang ito.

Ayon sa nakalap na impormasyon mula kay Supt. Jackson Seguin, hepe ng Lingayen Police, dakong 11:30 ng gabi nitong Sabado nang pagbabarilin si Ronnie Ramos, 56, sa loob ng kanyang bahay sa nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon, tinanong ng dalawang lalaki ang kapatid ng biktima na si Dominador Ramos, na nagsabing natutulog ang kapatid kaya ipinagising ito ng mga suspek pero nang lumabas sa silid ay pinagbabaril.

Naniniwala ang pulisya sa posibilidad na may kagalit ang biktima at ginamit lang na dahilan ang sinasabing pagkakasangkot nito sa droga. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog